NEAR YET FAR, FAR YET NEAR

Cover image

Cover image

 

(this is a part of my Director’s notes for DITO:Bahay ng Sining’s upcoming play, directed by me)

NEAR YET FAR, FAR YET NEAR – SILENCE REFLECTIONS

Director’s Notes

 

It’s been a while since I’ve written Director’s notes. So I’m not exactly sure how to do this. But here goes. Funny guy naman ako eh, so I think ok lang yan.

 

UNA sa lahat, thank you audience member, dahil nanood ka (or kung excited kang bumili nitong souvenir program na ito at intermission palang, na nanonood ka) ng palabas namin. Kung binabasa mo ito sa blog ko, salamat na baka manonood ka ng play namin. Kung friend kita or nakaka inuman regularly, i-eexpect kita sa mga show namin ha? Kung hindi kita kilala, i eexpect ko na maging friend or kainuman kita sa mga show namin ha? Or after the shows.

 

SECONDLY, you might be asking kung bakit “Near Yet Far, Far Yet Near” Ang title ng production. Nung nabuo namin ang materials nito (Hi Yaps Estagle my fellow writer), it wasn’t exactly easy to come up with a theme. Ok, sige given na, love plays ang mga ito. Pero, ang dami daming pwedeng sabihin about love, anong masayang pag-usapan? So after some thought, we figured out na one aspect of love na interesting gawin at i-intertwine sa plays ay ang concept ng SILENCE.

 

Sa panahon ngayon, usong uso, or prevalent ang self censorship. Marami tayong gustong sabihin pero ang daming factors na pumipigil sa ating gawin iyon. Pag may sabihin tayo or gawin na hindi kaaya aya, lalabas na agad sa facebook yan or twitter o kung ano mang social media mo. Ako din mismo guilty dito. Ayan tuloy nagpapaka overly safe tayo. At pag lumabas sa social media yun, nag susuffer ang identity natin. Na iinsecure tayo, natatakot. Yung older generations, mas bad-ass kaysa sa mga tao ngayon palagay ko. Just imagine, pag nanliligaw sila dati, or nakikipag landian, diretsahan. Ngayon, may mga concept ng “thing lang yan”, or “happy crush”, “sawi”. Dati walang ganun. Or baka meron pero hindi masiyadong napapansin, or hindi masiyadong nababalita. Pag may trip ka, attack. Eh ngayon? Kailangan stalk mo muna sa facebook or twitter, tapos pag match ang mga like pages niyo, or pag marami kayong mutual friends, or pag pareho kayong naglalaro ng COC, etc, doon ka palang mag-iisip na mag go. At pag mag fail, rekta na mag rarant ka sa facebook, or mag popost ng mga cryptic song lyrics to complain about why the world isn’t fair blah blah blah. The older generations? Bad-ass.¬†Wala silang paki sa judgments ng mga tao. Malamang, nung time nila konting tao lang ang nakaka judge sa kanila. Pero sa panahon ngayon, mas na jujudge tayo on a wider scale. And sadly, at the end of the day, when we are unable to express a lot of who we truly are, slowly, little parts of us disappear or die. And a lot of people nowadays find it so harder to cope with heartache. Naturally may mga mag didisagree sa akin sa mga previous statements ko. Tama lang, may mga exceptions naman to my observations. Pero isipin niyo. Ang dami talagang whiny biatches today. Tapos false courage lang ang meron.

 

The plays talk about 2 kinds of silences. One Rainy Evening in April talks about not saying anything, despite having so many things to say. 10 Questions naman talks about saying so many things, but not saying what we truly want to say. Misdirection kumbaga.

 

So ayun, SILENCE makes us feel either near yet far or far yet near to certain people depending on the way you look at it.

 

Feel free to view the following pictures taken by Christine Chung:

Jerome Actor

Jerome Actor

Tarek Actor

Tarek Actor

Trency Actress

Trency Actress

Guelan Actor

Guelan Actor

Leave a Reply