Eulogy for Ate Lora

Today is the one month death anniversary of my sister. To be honest, it has been very hard. And it has been harder to be okay, especially when I have to pretend to not be affected. I know a lot of people have been concerned, and I’m very thankful for that. But I also don’t want people to worry too much. I don’t want people to be sad when they see me or talk to me, so I try to stay as cheerful as can be. I am trying to be ok.
But honestly, there are days when it feels harder to sleep, and there’s nothing else to get your mind off things.
So tonight, let me share with you my Eulogy for my sister last June 26, 2015. I have edited this for easier reading. As you read this, please remember my sister. How happy she was. How much she meant to all of us.
me and ate hs grad
ATE LORA – June 23, 2015
(a Eulogy by Paolo Apagalang)
Good evening po sa inyong lahat.
Ako po ang baby brother ng napakagandang babae sa picture na ito.
Hindi katulad ng nga naunang magsalita, ako naman po ay sanay sa ganitong pagsasalita in public. In fact, medyo magaling po akong magsalita sa ganito bilang teacher ako at isang theater actor. Pero sa totoo lang, hindi madali itong gagawin ko ngayon.
Paano ko pagkakasiyahin ang buhay ng ate ko sa loob ng iilang minuto? Medyo imposible. Kumbaga yung buhay ni ate, sobrang siksik. At napakaraming bahagi nito ang nasaksihan ko.
Lahat kayo kilala niyo siguro si ate sa isang part ng buhay niya: kapamilya, kaibigan, katrabaho, ka-church, kasabay kumain etc; pero para sa akin, nakilala ko ang ate ko by default. Hindi kagaya ng karamihan sa inyo na pinili maging friend ng ate ko, ako, ika nga nila “wala na akong no choice”. Walang part sa buhay ko na wala siya. Except ngayon malamang.
Maiintindihan siguro ang pinagdadaanan ko ng lahat sa inyo na may kapatid. Yung kapatid na iyon older man o younger — hindi niyo maipagkakaila — na hindi talaga kayo lagi magkakasundo. Ganoon talaga eh. Hindi pwede. Kahit sa mga simpleng bagay tulad ng hatian ng cake, o distribution ng pamasko. Siyempre mas matanda si ate, so mas malaki ang binibigay sa kanyang pera noon. Sa akin 20 lang, sa kanya 50 na. Siyempre maiinggit ako. May nalulugi talaga. Off-balance kumbaga.
At minsan pag napapagalitan si ate, pati ako napapagalitan kahit wala akong ginagawa. Ganoon din naman, pag pinagalitan ako, siya din mapapagalitan sasabihin pa nga sa kanya, “hindi mo binantayan ang kapatid mo”. Kaya hindi pwedeng magkasundo kayo lagi. Eventually, pag pareho na kayong matanda, magkakasundo na kayo. Pag pareho na kayong adult at nag-mature na kayo.
Pero hindi kami nag-mature. Na ok lang naman. Minsan, sa mga pagka-immature namin ay may mga memories kaming nabubuo na sobrang nakakatawa.
The other night, binabasa ko ang mga text messages namin. Sure merong mga lambing-lambing-sweet-sweet-cheesy-cheesy, pero maraming away-away. Ganoon eh.
Pero kahit gaano karaming away-away, close pa rin kami. Isipin niyo, lahat ng mga taong pinaka-kayang niyong awayin, malamang, yun ang mga taong pinaka-close niyo. Di ba? Mga best friend, boyfriend, girfriend, kabiyak, asawa — ito ang mga tao na hindi tayo nag-sesecond guess o nagdadalawang-isip kung hindi tayo sang-ayon sa kanila. Ok lang sa atin na awayin sila. Kami ni ate, forced kaming magbati. Kailangan kaming hindi magkasundo, pero kailangan din kaming magbati agad. Ang ironic noh? Isipin niyo nag-away kami habang nakasakay sa likod ng kotse. Bago kami dumating sa pupuntahan namin, bati na kami. Haha.
Noong magkatumor si ate, ako ang isa sa mga taong hindi nag worry. Iniisip ko, “ok lang yan. Lets worry about it after your checkup.” Iniisip ko, “bata pa si ate, hindi siya umiinom at nagyoyosi.” Ang tanging bisyo namin ay maging mean. Pinag-uusapan namin kung sino mga artista yung panget, walang talent, masama ang ugali. Magaling kaming manlait. Tapos tatawa kami. Iyon lang naman ang isa sa mga trip namin sa buhay.
And then lumala yung sakit ni ate. Honestly, hindi ako masiyadong nagpupunta noon sa hospital for 3 reasons:
1. Nalulungkot ako – feeling ko powerless ako. Hindi naman ako crucial sa paggawa ng mga medical decisions, dahil mas parents ko iyong gumagawa noon at si Laurence (asawa ng ate ko).
2. Babawi nalang ako – iniisip ko na babawi nalang ako pag nakauwi ka na sa bahay ate. Na manlalait uli tayo. Na magkakakain tayo ulit. At pag nasa bahay, aalagaan kita ng wagas.
3. At higit sa lahat, hindi ko talaga matanggap – Iniisip ko noon, na sa tuwing pumupunta ako sa ospital, tinatanggap ko na may sakit ka. Na hindi ko magawa. Kahit ngayong wala ka, hindi ko pa rin matanggap. Napahirap ate.
Hindi ko talaga matanggap eh. Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na gigising ako mula sa panaginip na ito at nasa bahay lang ako at pagkagising ko ay mag-uusap tayo. na magkwe-kwentuhan tayo ng mga buhay natin. Pero hindi. Ano ba itong nangyari? Bakit ganito? Bakit napakabilis ng lahat ng mga pangyayaring ito?
Kapag may nangyari na hindi dapat mangyari, kina classify natin sila into two things: chamba at malas. Chamba pag maganda, malas pag pangit. Pero ibig sabihin noon, may mga pwersa na beyond our control. Sa totoo lang, hindi ko maintindihan. Hindi ko maunawaan.
Hindi dapat nangyari to eh. Walang bisyo si ate, may anak siya, and a whole life ahead of her.
Ang nararamdaman ko talaga sa puntong ito ay nadaya kami. Kung anuman yung mga pwersang nagpapaikot ng mundo, nadaya kami. Kung sino man ang naglalagay ng mga baraha ng buhay sa palad namin ay dinaya kami. Ang daya na wala ka na sa mga bagay sa buhay ko. Sa buhay namin.
Wala ka sa kasal ko, pero nandun ako sa kasal mo. Nag drive pa ako para sa mg bisita. Ang daya.
Pag ako nagkaanak, hindi ka peperwesiyuhin. Hindi mo so-spoil. Hindi ka niya makakasama in the same way na kasama ko si Mirka. Ang daya.
Ang daya talaga.
Madaming mga gabi na nag-ddrive ako pauwi tapos umiiyak lang ako. Nag ro-rosary ako pag traffic.  Umiiyak ako kasi tingin ko nadaya talaga kami eh. Ilang gabi kong hinihiling sabi ko kay Lord, “sana ako nalang”. Kung hindi mo kayang pagalingin si ate, ako nalang ang kunin mo. Kung may nakalaang himala para sa bawat isang tao, yung akin, kukunin ko na, mabuhay lang yung ate ko. Kahit wala na akong ibang makuha pa sa buhay ko.
Sa dami ng kalokohan ko sa buhay, mas deserve ng ate kong mabuhay kaysa sa akin. And to think pa, ang daming walang hiya sa mundo. Araw-araw kaya kong magturo sa’yo ng tao sa diyaryo — na walang hiya na mas less deserving mabuhay sa ate ko siguro. Dapat buhay pa yung ate ko eh. Hindi nga para sa akin, pero para sa pamilya niya at anak. Sa totoo lang, natatakot ako para kay Mirka. Alam ng Diyos, kung gaano ako katakot para sa magiging buhay ni Mirka. Kami ni ate, lumaki kaming pareho na kasama namin ang parents namin. At hindi lang kasama ng parents, lumaki kaming naaalagaan, namamahal, at kung anu-ano pa.
Hindi ko maimagine ang buhay na walang nanay. Kaya ang taas ng respeto ko sa mga taong nabuhay ng walang nanay o tatay o magulang. Nabawasan si Mirka ng nanay. Ang daya. Malas.
Madalas pinag-uusapan sa ganitong sitwasyon kung gaano kasakit maglibing ng anak para sa magulang. Pero ang hindi masiyadong pinag uusapan eh yung kapatid na maglilibing sa ate. Ang sakit guys.
Sabi nila, “ang sugat pag handa kang tanggapin, hindi masakit, yung mga biglaan lang ang masakit.” Biglaan itong nangyaring ito. Sabihin na nating oo, two months nga rin siguro kaming na prepare dahil two months and coma ni ate, pero biglaan pa rin. At kahit alam kong may darating na sugat,  sa tingin ko, walang preparasyon ang magagawa ko para tanggapin ito ng maluwag. Ang sakit talaga.
Pero siguro kailangan ko ngang tanggapin. Hindi man today, kailangan balang araw magawa ko.
Isang bagay na pinagsisisihan ko ate is I never wrote you a poem. I always thought you’d be around.
So I wrote you this short one. This wont be the last.
ATE
Minamahal kong kapatid
Pisi man ng buhay mo’y biglang napatid,
Sana’y iyong nababatid
Na minamahal ka ng lahat ng tao sa iyong paligid.
Siguro tatapusin ko ito by saying some memories with my ate.
Ilang beses na naming napag-usapan ng mga friends ko, na pag magbaon ka ng ate sa suntukan, sure panalo ka. Pag kuya yung dalhin mo, may pag-asang matalo ka eh. Pero pag ate mo yung dinala mo, walang kayang gumalaw sa iyo. Buti never ko naman inabala yung ate ko na samahan ako sa suntukan. Pero from this point on, sa tingin ko, dahil alam kong katabi lang kita ate, kahit anong away, hindi ako matatakot matalo.
Maraming araw kaming nagbonding sa harapan ng TV. May time na kumanta lang kami bigla ng “Beat it” ni Michael Jackson. May araw na pareho kaming umiyak habang nanonood ng “A walk to Remember”. Maraming araw na umuwi ako ng early morning at nakatulog sa kama niya habang nanonood ng “The Soup”. Maraming Sunday kaming gumising ng maaga para magpaligo ng aso. Maraming hapon ang sinayang namin kakaisip ng kung saan mag-oorder, at kung anong oorderin, at mag-eendup na hindi kami oorder. Hindi maubos ang mga alaala.
Pero ang mga memories na ito ay hindi kayang i-summarize ang buhay ng ate ko.
Kung may isang bagay o quality na pwede kong gamitin para isummarize ang buhay ni ate, is that she was never afraid to matter. Hindi siya takot maging mahalaga sa buhay mo.
Anong ibig sabihin noon?
Ang daming taong natatakot maging mahalaga sa buhay ng ibang tao. Takot silang purihin ang ibang tao, kasi baka isipin mahina sila. Takot silang sumunod sa mga ibang tao, kasi takot silang abusuhin sila. Takot silang maging close sa ibang tao dahil takot silang masaktan. Yung iba, takot magsalita nang masakit sa ibang tao dahil baka iwanan sila.
Ang ate ko hindi ganoon. Makatotohanan siya. Kung may maganda kang gawin, asahan mong magiging proud siya sa iyo. Pag may gawin kang tama, magiging masaya siya para sa iyo.
Kung may mali kang gawin, hindi siya takot na maging diretsahan sa iyo. Hindi siya takot na awayin ka, o pagsabihan ka. Hindi naman siya perfect, pero honest siya. Kasi kung mahalaga ang mga tao sa iyo, at gusto mong maging mahalaga sa kanila, ang tanging sandata mo ay honesty.
Kaya kung may mga taong mahalaga sa buhay ninyo ngayon, wag kayong matakot na maging mahalaga sa kanila. Wag kayong matakot na i-encourage sila, at mas lalong wag kayong matakot pulisin sila pag may mali silang ginagawa.
Mas masama ang pinalampas mo lang ang isang tao sa buhay mo, pero ang totoo, ay napakahalaga pala nila. Don’t be afraid to matter. Don’t be afraid to be important. Yan ang buhay ng ate ko. Sana kaya nating siyang gawing ehemplo.
Alam ko, miss na miss niyo na siya. Ako rin. Miss na miss ko na siya.
Pero sana, lagi natin siyang ilagay sa ating mga alaala.
Mahal ka namin Ate Lora, we love you very much.
Your Baby Brother/ Tito Pao.

5 Comments

  • dsw says:

    you and your family will be in my prayers….
    o ayan, 1st lesson learned – “do not be afraid to matter”—–or i translated it to, ‘wag tatamad tamad” para iparating ang saloobin lalo na kung mahalaga ito para ‘dun sa taong concerned.
    i pray for healing…and continue to be a blessing to your ate lora…

    dsw

  • Arnot says:

    I know exactly how you feel.. I lost my only brother ( Kuya ko) year 2010 and the same pain I’m feeling till now , yung absence nya SA lahat ng occassions , yung pag kailangan ko Ng masusumbungan and SA Lahat ng moments na sana or dapat andun sya – yung Sakit hindi nabawasan yun .. So I pray that God will give you and your family the courage to move on inspite of your loss- I cannot say the pain will heal kasi parang hindi Naman SA experience ko. We moved on kasi we have no choice we also have to lead our lives . all the happy memories will serve as your inspiration to get through, yung Pamangkin mo will be the best keepsake and source of strength , everytime you take care of her your are also taking care of your Ate so you have to be strong for her. and the thought na Lahat Tayo dun din ang punta nauna Lang sila so may ” till we meet again” . God Bless you and your family

    • lordapags says:

      Condolences to you too.

      Although it is difficult, I’m very thankful sa support ng mga friends and family namin. Iyon ang source of strength talaga namin. Thank you for your kind words. God bless din.

  • Genea says:

    I’m so sorry for your loss. I’m commenting and sharing my own writing because it’s hard and it’s different for us who have recently lost people (I suspect that loss is loss and the pain is always there no matter how much time passes, it’s all a matter of depth and degrees). Good that you have people around you that care. Some days will be tougher than others. Dwell on the good when you feel grief hitting you hard. God bless you and yours.

Leave a Reply