Monthly Archives: October 2016

A Letter FROM My Future Self

By | Uncategorized | No Comments

October 1, 2022

Uy Apags,

Musta ka brader? Kumusta naman diyan sa 2016? Ok ka lang ba? Sa totoo lang, hindi ko na masiyadong maalala ang 2016. Alam ko, maraming mga problema sa bansa natin sa time na yan, pero sa totoo lang,  marami na ang nagbago mula noon.

MARAMI NA ANG NAGBAGO MULA 2016 AT 2022

Anyway, marami akong gustong sabihin sa iyo. First of all, gusto kong sabihin sa’yo na Thank you. Dito sa 2022, ang sinasabi nalang namin “T” (naalala ko lang, diyan sa 2016 hindi na sinasabi ang “Game,” “G” na lang diba?). So isang malaking “T,” dahil hindi ka nag-give up. Tumuloy ka pa rin. Nasa Pinas ka pa rin. Teka, kwento ko lang sa’yo ang buhay mo ngayon. Mamaya, kwento ko kung ano na ang nangyayari sa bansa.

2016 noong nag decide ka na maging isang Life Coach/Motivational speaker. Good News: Gumana bro! Ngayon, isa na tayong Solid na Life Coach. Specialty natin? Resilience, Motivation, Relationships. Di mo maimagine noh? Sino ba namang mag-aakalang magkakaroon tayo ng career dito, complete with mga clients na Artista at mga Politicians LOCAL and ABROAD. Shet lang talaga! Ka text mo nga lang si Lebron James kanina. Si Pia Wurtzbach lagi kang mine-message. Tapos may show ka na rin sa favorite mong radio station, ang Magic 899! Chamba pero ok diba?

NAGING MAGIC 89.9 DJ TAYO!!!

Natupad ang pangarap natin. Marami tayong natulungan. Yung mga plano nating business tulad ng restaurant, financing company, foundation na nagbibigay ng sapatos at public school, nagawa natin! Nakapag direct na tayo ng full length film, nanalo ng cinemalaya at Palanca at naging Forbes Magazine cover. Astig nga, pati si Tita Oprah (TITA OPRAH HAHAHA Parang titas of manila lang), bilib sa atin. Nakakakilig talaga. Actually, kwento ko lang, kakagaling ko lang sa isang TED talk dito sa Paris. Tayo yung Finale Speaker! BRO, 1 MILLION VIEWS IN 2 HOURS. NAG V TAYO!!!! (V pala ibig sabihin viral, hindi virginity) Tapos nakakatuwa kasi nanood yung mga officemates mo sa World Stage International. Nandoon sina Coach Cherry at Coach B, si Gene (na may buhok na ewan ko kung paano) at yung girlfriend niya, Si Alyssa at ang fiancee niyang si Atty. Bob, Sina Coryn, Alex, Inna, Ysa at Jabar,  at siyempre yung the rest of your new cutie new officemates from all three WS branches. OO TATLONG BRANCH NA KAYO. 2016 isa pa lang eh.

TATLO NA ANG BRANCH NG WORLD STAGE INTERNATIONAL!

Pero ang pinakaimportanteng mga tao doon ay ang family mo. Si Mommy at ang mga anak natin. Sobrang cute ng sons natin. 2 palang sila now, pero plano ko dagdagan kahit isa pa. Tingin mo? Sana babae, para tatlo kaming lalaki na gugulpi sa lalaking mag bbreak ng heart niya. Or si Mommy nalang? Scary ng asawa natin brader, pero astig yun. Sweet din siya. Alam niya yung balance.

MAHAL NA MAHAL NATIN ANG #APAGIBIG NATIN BRADER

Sinusulat ko ito ngayon sa flight natin papuntang US. Kakaboard lang natin. Bukas kasi, may tatlong meeting tayo. Sa umaga, sa Nike. Alam ko, favorite natin yun. So matutuwa ka siguro pag binalita ko sa’yo na brand endorser na tayo ng Nike. Hahaha. Funny story to:

Nagpapayat kasi tayo. Buwisit kasing Chris Evans yan, nagpa-life coach sa atin, tapos laging nagyayaya mag-gym. Wala na tayong nagawa eh. Anyway, pumayat tayo, nagka six-pack, at nagka-cameo tayo sa Avengers movie. Mabilis lang, kausap lang natin si Stan Lee. PERO OK LANG. MARVEL MOVIE PA RIN YUN GAGI. Anyway, natuwa naman si Nike sa success story natin sa pagpapapayat! Akalain mo! LIFE COACH, NAGING NIKE ENDORSER?! Lagi silang nagpapadala ng Sapatos. Na Custom Fit. Na personalized. Na LIBRE. LIBRE PARA SHET. May picture tayo kasama si Michael Jordan! Pero group pic tapos medyo blurred. Hassle. Pag nakita ko ulit magpapa retake ako.

NIKE ENDORSER KA NA!!!

Tapos, sa hapon, Apple. Nakachamba ulit tayo. Brand Ambassador din tayo ng Apple. Ito, nag pitch talaga ako para kunin nila tayo. Astig naman, nakakuha tayo ng mga laptop computer at free iCell 4s (oo hindi na iphone ang tawag, iCell nalang). Ang saya sa apple HQ, ang linis lahat. Lahat din Siri Operated. So maraming mga voice command na ganap. Medyo weird lang na sabihin sa urinal na “hey siri, flush”. Pero mas ok naman ang voice command dun kesa urinal na touch screen diba? Anyway, may meeting kasi may i-pitch daw silang idea sa atin. Bagong Ios 25 life coaching app daw. “APPags” daw ang itatawag, sana hindi yun ang itawag, medyo weird marinig yung “update mo yung APPags” or “delete mo na yung APPags.” Ano tingin mo?

APPLE AMBASSADOR KA PA!

Tapos, to cap off your day, may dinner ka with the US President. Actually, marami na tayong na meet na presidente. Medyo naging social transformation Ambassador kasi tayo eh hahaha. Hindi ko sasabihin sayo kung sino yung POTUS, baka ma spoiler ka eh. HAHAHAHA. Sabi dun sa invitation letter, “dinner plus beers daw.” Pero magdadala ako ng wine kung sakaling kailangan mas fancy. Magluto kaya ako ng Kare-Kare para hindi naman nakakahiya sa dinner niya? Or mag-order nalang kaya tayo ng pizza? Maganda kasi may contribution eh Ewan, bahala na. May mga pinaplano kasi tayong program for Environmental Preservation Policies. I’m hoping masaya at productive kasi marami tayong gustong ma-achieve this year bago mag pasko. Siyempre, uuwi na tayo before Christmas, kasi walang tatalo sa Pasko sa Pilipinas.

WALANG TATALO SA PASKO SA PINAS.

Mabalik nga ako sa Pilipinas. Alam mo, malaki na ang pinagbago sa Pilipinas. Alam ko, dismayado ka diyan sa bansa natin ngayon. Pero wag kang susuko. Marami na silang sumuko at umalis. Wala namang problema doon. Pero may naghihintay na magandang kinabukasan. Kapit lang! 6 years, bro, oo hindi pa rin siya perfect. May mga problema pa rin. Pero marami na ang nag-improve. Nabawasan na ang crime. Tumaas na ang disiplina. May mga problema pa rin sa corruption, poverty, at education, pero mukhang mag-iimprove naman. Hindi ka pwedeng sumuko. Sayang naman itong pinaghirapan natin. Hindi naging madali ito, promise, nahirapan tayo talaga. Napagod tayo, umiyak, na-depress, nakipag-away. Pero ganoon talaga, kailangan talaga nating ipaglaban. Kailangan nating i-protect ang mga pangarap natin. Every day, meron diyang pilit tayong pahihirapan. Hindi tayo natalo sa kanila. Bahagi ng buhay natin yun.

Naalala ko, nung 2015, talagang depressed na depressed tayo. Gusto na rin nating mamatay at times diba? Naalala mo yun? Yun ang kasagaran ng pagkalugmok natin; yung hinamak tayo ng buhay diba? Kasi, 2015, dito na deadz si Ate L at si Dad eh diba. So ano naman ang pakiramdam mo 1 year after diyan sa 2016? Masakit pa rin. Actually, brader, hanggang ngayong 2022, masakit pa rin. Dapat kasama pa natin sila today eh. Pero everytime nasasaktan tayo, dahil naiisip natin sila, alam mo kung anong nangyayari? Na-iinspire tayo. Napapasmile tayo. Namimiss natin sila, bro. Pero, sila ang nagpapalakas sa atin.

Anyway, paalis na itong flight. Medyo inaantok na rin ako. Tatapusin ko na ang letter na ito. Pero last message ko lang. Brader, ituloy mo lang ang ginagawa mo diyan na mangangarap ka.

MANGARAP KA PA RIN!

Gumaganda ang buhay ko dito sa 2022 everytime ginagawa mo yan. Sana lahat ng tao, hindi nila makalimutan ‘yon. Ang magpatuloy na mangarap. Kung tama ang memory ko, may mga times diyan ngayon na nagkakawatak-watak ang mga tao. Lilipas yan bro. Dito sa 2022, nagkakaisa na ang Bayan. Marami na ring umuuwi. No joke, bro. Totoo nga yung kasabihang just have a little faith.

Ok. Iyon lang, brader. Sige, see you soon. Very last nalang,

Nice one! Love you pre,

Coach Apags

PS. Cebu Pacific ang flight natin. Hindi na siya nalelate. Sulit bro. First class seats tayo. Pero piso fare pa rin hahaha ang kuripot pa rin natin. Some things never change.